Natatanging Iskolar pinarangalan ni Mayor Gila

DINALUPIHAN, Bataan – Binigyang pagkilala at parangal ni Mayor Maria Angela S. Garcia ang estudyanteng Dinalupiheño na palagiang nangunguna sa Top 30 ng Iskolar ng Bataan program, hindi lang sa kanyang bayan kundi sa buong lalawigan.

Nitong nagdaang Lunes matapos ang tradisyunal na flag-raising ceremony ay pinangunahan ni Mayor Gila, Vice Mayor Renato Matawaran at ng mga myembro ng Sangguniang Bayan ang pagbibigay ng certificate of recognition at cash gift kay Jake Paras, estudyante ng Bataan Peninsula State University.

Si Paras, na naulila na sa ama, ay nagmula sa isang mahirap na pamilya na tumira sa iba’t ibang barangay dito subalit ayon sa kanya nagsilbi itong inspirasyon para umahon sa buhay at matamo ang tagumpay.

Kahit aniya siya ay naging tindero sa pamilihang bayan at iba pang manwal na hanapbuhay ay nairaos niya na makatapos at magkaroon ng gradong “flat 1” ng sunod sunod ng taon ng kanyang pag aaral.

Sa isinagawang pamamahagi ni Mayor Garcia ng tseke sa may 1,226 iskolar ng bayan ay nagbigay ng mensahe si Paras at hinikayat ang kapwa nya kabataan na magsumikap sa pag aaral para makamit ang anumang ambisyon.

Ang programang Iskolar ng Bataan ay inilunsad noon pang panahon ng namayapang Gobernador at Mambabatas Enrique T. Garcia, Jr. kung saan libu libo nang mga estudyante sa buong lalawigan ang nakatapos ng kolehiyo. Ipinagpatuloy ito ni kasalukuyang Gobernador Albert S. Garcia.

Sa bayan ng Dinalupihan, kalahati ng 1226 iskolar ay pawang mga senior high school students. Nitong nagdaang Lunes ay ipinamahagi ni Mayor Gila ang 40% ng halagang

 P7700 ng mga SPES beneficiaries / scholars mula sa Department of Labor and Employment kung saan 60% naman nito ay nagmula sa Dinalupihan LGU.