News

Miss Global Philippines 2014 candidates, bumisita sa Bataan

0

   Ayon kay Gov. Garcia, isang malaking oportunidad para sa probinsya ng Bataan ang bisitahin ng grupo ng Miss Global Philippines na magiging katuwang ng gobyerno para itaguyod ang mga programang pang-turismo hindi lamang ng lalawigan kundi ng buong bansa.

   Kasama rin si Gov. Garcia sa Tomas Pinpin Elementary School sa bayan ng Abucay para sa feeding program, na ayon kay Ms. Rizza Lao, founding chairman ng Miss Global Philippines Foundation Inc., ay bahagi rin ng kanilang adbokasiya  para pakainin ang may 1,000 batang mag-aaral.

   Bibisitahin din ng grupo ang iba pang tourist destinations sa lalawigan kabilang ang makasaysayang Mt. Samat Shrine sa bayan ng Pilar.

   Ang Miss Global Philippines 2014 ay isang bagong beauty pageant na inorganisa ng Miss Global Philippines Foundation, Inc. na pinangungunahan nina dating Miss Earth-Air 2012, Stephany Stefanowitz bilang chief operating officer at negosyanteng si Pauline Sofia Laping. Ayon kay Ms. Lao, hindi lamang bukas ang nasabing pageant sa mga dalaga na may edad 18-27  at may taas na hindi bababa sa  5’6”. Tinatanggap din nila ang mga single-mothers na nais makipagtunggali sa naturang beauty competition at tanghalin bilang tourism ambassadress.

   Aniya, tatlong single mothers ang kabilang ngayon sa first batch ng mga kandidata sa Miss Global Philippines kung saan ang coronation night ay gaganapin sa ika-11 ng Oktubre, 2014 sa  Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila, Lungsod ng Pasay.

Nerlie Ledesma

Bataan rider does it again!

Previous article

Mga ibong dayo, unti-unti nang nagdadatingan sa Balanga

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in News