banner

Mga putol na kahoy, natunton sa dagat ng Bagac

Written by
  • Jonie L. C.
  • 9 years ago

Ganito na umano ang istilo ng mga illegal loggers, idadaan sa karagatan sa pamamagitan ng paggamit ng bangka ang mga pinutol na kahoy at dahan dahang hihilahin hanggang sa makarating sa kanilang destinasyon.

Ang mga natunton na kahoy ay isang uri ng ispesyal na kahoy na ginagamit sa pagtatayo ng bahay at paggawa ng mga muwebles na kung tawagin ay malabayabas. Ang bagay na ito ay naiparating na sa kaalaman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Samantala, ipinahayag ni Bagac Mayor Rommel del Rosario na kanyang paiimbistigahan ang bagay na ito. Kasabay nito, umapela si Mayor del Rosario sa kanyang mga kababayan na maging mapagmatyag at ipagbigay-alam kaagad sa mga kinauukulan ang ganitong gawain upang masugpo agad.

Kaugnay nito pinasalamatan ng Punong Bayan ang mga miyembro ng Bagac Concerned Citizens Force sa pagbubunyag ng ganitong iligal na gawain at hiniling na ituloy lang nila ang kanilang pagmamatyag.

Article Categories:
Environment

Comments are closed.

Shares