Sinabi rin ni Gob. Garcia na kung ang lahat ng nakasakay sa isang barko ay sabay-sabay ang pagsagwan, tiyak na makararating nang mabilis ang lalawigan sa kanyang destinasyon. Natutuwa din siya sa mga bago at dating pamunuan ng Bataan, City at Municipal councils dahil mas marami ngayon ang magtutulung-tulong para mas lalong sumigla ang turismo sa lalawigan.
Samantala ipinakilala ni Gng. Vicky Garcia, Chairperson ng BPTCFI ang mga naggagandahang kandidata sa bawat bayan at ng Lungsod. Abucay – Krishna Coleen Estrella; Morong – Alyssa Valdez; Limay- Chreselyn Santos; Hermosa- Princes Joy Reyes; Orani-Jaila Eunice Regidin; Pilar- Maria Giselle Bustos; Bagac- CharisseMarieSisperes; Orion- Judy Ann Martal; Balanga City- Josephine Capilitan; Dinalupihan- Myle Alexis Reyes; Samal- Shiela Marie Siasat; at Mariveles- Elle Hollman. Ang mga kasapi ng media ang siyang bumoto sa tatanghaling Darling of the Press, na ihahayag sa nalalapit na coronation night.
Sinabi ni Gng. Vicky Garcia, BTPCFI Chairperson na marami na ang nagawa ng Bataan Tourism Council sa Lalawigan, gaya ng pagtatayo ng Tourism Center, pagtatala ng mga Beach Resort sa ibat ibang bayan, pagtatayo ng Pawikan Center sa Morong, zipline at tree top adventure sa Pilar, Las Casas de Acuzar sa Bagac, Anvaya Cove sa Morong, Camaya Coast sa Mariveles at iba pang magagandang lugar at tanawin na magugustuhan ng mga turista.
Nagpahayag naman si G.RonaldoTiotuico, Regional Director ng Department of Tourism Region 3 ng paghanga sa ating lalawigan dahil nakita niya ang pagkakaisa at sensiridad ng mga opisyal ng pamahalaann sa pagpapaunlad ng Lalawigan, isang patunay ay ang pagkakaroon dito ng Tourism Center na wala sa ibang lugar.