News

One-Stop-Shop NBI satellite office, magbubukas na sa FAB

0

Matapos ang isinagawang site inspection ni NBI Director Eric B. Distor noong ika-28 ng Mayo, masayang ibinalita ni Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) Administrator Emmanuel Pineda na malapit nang magbukas ang NBI satellite office sa Freeport Area of Bataan (FAB.

Ayon kay Pineda, ang pagbubukas ng NBI Office sa FAB, “is a welcome development” dahil ito’y malaking kaginhawahan sa mga nag a-apply ng trabaho sa FAB. Malaking hakbang din umano ito sa misyon ng AFAB na magkaroon ng One-Stop-Shop para sa lahat ng dokumentong kailangan ng mga manggagawa, negosyante at mga residente ng freeport.

Matatandaan na ang pagkakaroon ng NBI satellite office sa FAB ay bunga ng nilagdaang Tripartite Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng AFAB, Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at NBI.

Mariveles implements sewage treatment ordinance

Previous article

Pamamahagi ng binhi, sinimulan na sa Samal

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News