banner

“One stop shop” una sa Bataan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 8 years ago

   LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nagkakaisang sinang-ayunan ng mga opisyal at miyembro ng Provincial Development Council ang PDC Resolution No. 1 series of 2014 sa isinagawang unang joint meeting ng Provincial Development Council at Mayors League na ginanap sa Crown Royal Hotel and Restaurant nitong ika 17 ng Setyembre 2014.

   Ang pagsang-ayon sa proposal ni PDC Chairman Bataan Governor Albert Raymond Garcia ay pinangunahan nina Vice-Governor Efren Pascual, mga kasapi ng Provincial Development Council at mga mayors sa 11 bayan at Lungsod ng lalawigan.

    Nakasaad sa naturang resolution “for the establishment of Provincial One-Stop-Shop and Mixed-Use Development of the Provincial Capitol and enjoining all Provincial based  National Government Agencies or their  frontline services to locate therein.        

   “The provincial government will not pay a single centavo in the construction. Ito na ang pinakamabisang paraan para makipag partnership sa private sector na win-win solution, magkakaroon ng bagong opisina na di gumagastos sa pagpapagawa nito, magkakaroon pa ng additional income ang prime property ng gobyerno at kumita hindi lang ang private sector pati ang gobyerno, paliwanag ni Gob. Garcia.

   Sa plano magtatayo ng commercial center, BPO/call center at hotel sa loob ng compound ng kapitolyo at nag-uunahan na umano ang mga developers sa pagsisimula ng proyektong ito.

   “Bubuksan na lang natin iyung MICE (Meetings, Incentives, Conferences and Exhibits) tourism sa Bataan” pahayag pa ni Gob. Garcia. Sinabi din ni Gob. Abet na “base sa plano na gawing “one stop shop” ang bagong capitol building, napaka simple ng idea but never been done before kung saan lahat ng national and provincial government agencies and instrumentalities, ay nasa isang lugar”.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares