One Time Cash Incentives sa mga Sr. Citizens sa bayan ng Dinalupihan

Ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan ng Dinalupihan sa pamumuno ni Mayor Tong Santos ang cash incentives na tig limang libong piso sa may 111 senior citizens na may edad na, 75-79 at 24 naman sa mga may edad na 80 hanggang 89.

 

Ayon kay Mayor Tong Santos, isa lamang ito sa mga magagandang programa para sa nakatatanda ng Dinalupihan, bukod pa sa quarterly assembly kung saan ang mga senior citizens na magdidiwang ng kanilang kaarawan sa mga buwang iyon ay binibigyan ng kaunting kasayahan, may kantahan, sayawan, regalong cash at pa raffle.

 

Higit sa mga ito, ang kanilang anim na RHU sa mga clustered barangays na may mga doktor, nurses at iba pang staff, gayundin ang laboratory facilities kung saan kapag nagpa check up ang mga seniors ay may libre pang gamot.

 

Katuwang sa nasabing payout ang Municipal Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ms. Tina Banal, ang Municipal Treasurer’s Office sa pangangasiwa ni Ms. Cecilia Calixta, ang kanilang Social Services Consultant na si Ms. Ofelia Mendoza, gayundin sina FSCAP Pres. Dante Javier at OSCA Pres. Lolita Guirao

Leave a comment