banner

Orani, may bagong ambulansya

Written by
  • Greg R.
  • 2 years ago

IPINAKITA ni Orani Mayor Efren E. Pascual, Jr. ang bagong ambulansiya ng pamahalaang-bayan na gagamitin ng mga pasyente lalung-lalo na ng mga pasyenteng nagpapa-dialysis.

Kagaya rin ng mga makabagong sasakyang pang-medikal at pang-emergency ang naturang ambulansya na nagkakahalaga ng mahigit Php2 milyon ay kumpleto sa kagamitan.

“May magagamit na ang ating mga kababayang sumasailalim sa dialysis na kung saan-saang hospital hinahatid,” pahayag ng alkalde sa pulong ng mga health and medical frontliners na dinaluhan nina Konsehal Tonton Reyes at Konsehala Maya Bongco sa Orani Gym.

Sinabi ni Pascual na mahigpit na tinututukan ng kanyang administrasyon ang larangan ng kalusugan at edukasyon ng kanyang mga kababayan. Sa ngayon, hypertension ang pangunahing sakit ng mga taga-Orani na may bilang na 2,721, sinusundan ito ng diabetes (807), at kidney disease, 167.

Article Tags:
· · · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares