banner

P10k at 1 sakong bigas kada pamilyang nasunugan sa Orani

Written by
  • Mhike R. C.
  • 2 months ago

Nabiyayaan ng tigsa-sampung libong piso (P10,000) at tig iisang sakong bigas (25 kilos) ang bawat pamilya na nasunugan kamakailan sa Brgy. PaCar, Orani.

Sa panayam ng RMN News kay Mulawin Punong Barangay Marvin Dela Cruz via Messenger, kabilang din aniya sila sa mga unang nagpaabot ng tulong sa mga nabiktima ng trahedyang ito na kumitil sa 2 buhay sa naturang barangay.

Nagmula ang biyaya mula kay Hermosa Mayor Jopet Inton at Jon Arizapa. Umabot sa 24 na pamilya ang nabiyayaan sa naturang financial at rice assistance.

Ayon sa mga nakatanggap ng biyayang ito, malaking tulong anila ito sa kanila at buo ang kanilang pag-asa na marami pang mga may mabubuting puso silang mga kababayan na tutulong sa kanila para makabangong muli.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares