Paalala ng DepEd ukol sa data protection

Mahigpit na pinaaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang lahat hindi lamang sa lalawigan ng Bataan kundi maging sa buong bansa na iwasan
hangga’t maaari ang pagpopost ng mga larawan, ID, report card, certificates, diploma, awards at iba pang personal na impormasyon sa Facebook at iba pang social media sites and platforms.

Ayon sa DepEd, totoong nakapagmamalaki at mahalaga sa atin ang accomplishments ng ating mga anak at mga mahal sa buhay subali’t ito ay mga sensitibong impormasyon na maaaring gamitin para mambiktima at manloko ng ibang tao gamit ang mga impormasyong nakuha mula sa mga ipinost ninyo sa social media.
Makikita sa mga pinopost ninyo ang mga pangalan, paaralan, address, gayundin ang LRN o Learners Reference Number na natatangi sa isang mag aaral para makuha ang kanyang historical school records, lahat ng mga impormasyong ito kasama ang tugkol sa pamilya ay makikita doon, kaugnay pa rin ng ginagawang paghahanda ng gobyerno para sa National ID system.

Ang hindi pa matiyak ay kung paano mahahack ang database ng DepEd at ang lahat ng impormasyong ito ay magagamit sa identity theft o pagnanakaw ng pagkakakilanlan, hanggang sa matukoy na rin ang password sa mga accounts ng mga kaanak sa kanilang mga bank accounts.
Ang mga lagda o pirma ng mga school administrators gayundin mga logo ng mga paaralan, diploma, certificates at iba pa ay madali na ring makopya, kung kaya’t ang lahat ay pinaaalalahanan na protektahan ang kapakanan ng sarili dahil mahalaga ang privacy ng tao gayundin ng buong pamilya laban sa anumang krimen na dala ng identity theft.