Paggamit ng makabagong teknolohiya, palalakasin ang mga inisyatibo ng BBJVI

Paggamit ng makabagong teknolohiya, palalakasin ang mga inisyatibo ng BBJVI

Nakipagpulong si Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) Chairman at CEO Jopet Inton kasama ang mga international security, survey, at LIDAR providers sa isinagawang pagpupulong sa BBJVI Office, 4 E-Com, Pasay City. Layunin ng pagtitipon na mapalakas ang mga inisyatiba ng BBJVI sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya para sa mas ligtas at episyenteng pagpapatupad ng mga proyekto.

Dumalo rin sa pulong sina BBJVI Adviser Doji Libatique, VP Jonathan Baldevarona, Geodetic Engineer Michael Ancheta, at iba pang eksperto mula sa larangan ng LIDAR at seguridad.

Samantala, nakipagpulong din si Inton sa Makati City kasama ang mga potensyal na investors upang patatagin ang mga ugnayan at oportunidad para sa patuloy na pag-unlad ng BBJVI.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga posibilidad ng investment partnerships na magpapalago pa sa mga proyektong pangkaunlaran ng kumpanya.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang pagpupulong sina Bataan 2nd District Congressman Abet Garcia, Renewable Energy Adviser Boj Pineda, Max Gunara ng Salim Group, Rishy Mistry mula UAE, NLEX Corporation President & CEO Rodrigo Franco, at SBMA Director John Inton

Leave a comment

Live Search