Pagkakatatag ng BPTCFI, pinuri ng DOT

   “This is the way to go in tourism – the foundation!,” ani Tiotuico sa kanyang mensahe ng pagbati at papuri kay Gng. Garcia sa pagbuo nito ng tourism council foundation  sa ginanap na Induction of BPTCFI officers and execom members at ng mga municipal at city tourism council officers mula sa 11 bayan at isang lungsod ng lalawigan kasabay ng pagpapakilala sa 12 naggagandahang kandidata ng Ms. Bataan 2014 sa Emiliana Hall dito kamakailan.

   Aniya, dahil sa foundation na ito ay umaasa siya na hindi matutulad ang Bataan sa pagkawala ng itinuturing na ‘biggest festival’ sa Central Luzon na Ibon-Ebon Festival  na hindi na ginaganap dahil sa pagbabago ng liderato sa Pampanga.

   Pinuri rin ng DOT official ang isinagawang capability building seminars para sa mga tourism officers ng Provincial Tourism Office. Aniya, ang pagsasagawa ng mga training programs sa mga probinsya ang itinutulak ng ahensya upang patatagin ang industriya ng turismo sa bansa.

   Kaugnay nito, binanggit din ni Tiotuico na may potensyal para maging community-based rural tourism ang Dunsulan Falls at Zipline sa bayan ng Pilar na maaaring magbigay ng trabaho sa mga residente ng nasabing komunidad. “We can do training program for this local population. Let them be the tour guide. This is our thrust in DOT,”  sambit pa nito.

   Sinabi naman ni Ms. Garcia, na naniniwala  siya na magiging matagumpay pa ang kanilang mga programa para pasiglahin at palawigin ang turismo sa Bataan sa panunumpa sa tungkulin ng mga opisyal at kasapi ng Executive Committee ng BPTCFI kasama ang mga municipal at city tourism council officers. “Gaya nga ng isang sikat na kanta, we’ve only just begun… pero, kung tayo ay magsasama-sama sa pagbuo ng tourism strategy we will make things real,” dagdag pa nito.

   Binigyan-diin naman ni Bataan Gov. Albert Garcia na ang installation of new and reelected Execom members ng BPTCFI at ang paglulunsad ng Ms. Bataan 2014 candidates ay kaugnay din sa pangarap ng lalawigan na maging lokasyon ito ng eco-industrial investment sa taong 2020. “Tayo ay nasa iisang barko na sabay-sabay na sumasagwan towards sa vision ng ating probinsya. Dapat na malaman ng ating mga kababayan at kawani na mas mabilis na aarangkada ang ating lalawigan kung tayo ay nagkakaisa,”  ani pa nito.

   Aniya, isang ‘unique’ na probinsya ang Bataan dahil sa pagkakaroon nito ng dalawang freeports – ang bagong tatag na  Freeport Area of Bataan (FAB) na ngayon ay itinuturing na ‘fastest growing Freeport in the country’ at ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na 75% nito ay nasasakop ng Bataan. Dahil sa pagdagsa ng foreign and local investors sa freeport at economic zones ay umaarangkada rin ang ekonomiya ng lalawigan at katumbas  nito ang  maraming job opportunities sa Bataeño.

   Sinabi ni Garcia na bukod sa ecozone, marami ring industriya ang nais niyang itatag tulad ng tourism lalo pa’t isang makasaysayang lugar ang Bataan tulad ng Mt. Samat  na aniyaý may ‘global name recall’ dahil sa World War II  na maaaring dayuhin at bisitahin ng mga lokal at dayuhang turista.