banner

Pagpapalawig ng Gawaing Pagbabakuna sa Bayan ng Mariveles

Written by
  • 1Bataan .
  • 1 month ago

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘: Sa mga nagdaang buwan, muli na naman po tayong humarap sa isang matinding pagsubok sa pagpasok ng Delta variant sa Bataan na muling nagpataas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ating lalawigan lalo na sa Bayan ng Mariveles.

Bilang agarang pagtugon ay nakapagpatayo po tayo ng mga vaccination sites sa mga barangay upang mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga residente ng nasabing bayan. Nagbunga po ito dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang bumababa ang mga naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mariveles.

Muli po ay napatunayan natin na sa pagtutulungan, pagkakaisa at malalim na pananampalataya sa Panginoon ay malalampasan natin ang kahit na anong hamon na ating kinakaharap.

Maraming salamat po sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaang nasyonal, lokal na pamahalaan, barangay, ospital, simbahan, at pribadong sektor na naging katuwang ng ating Pamahalaang Panlalawigan upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan ngayong panahon ng pandemya.

#ProtektahanAngPamilya πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦
#MagpabakunaNa πŸ’‰
#1Bataan ☝️
#ResBakuna
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#COVID19PH

Leave a Reply

Shares