Isa sa mahalagang programang ilulunsad sa taong ito, ayon kay Gov. Joet Garcia sa kanyang SOPA ( State of the Prov. Address) nitong nakaraang Jan. 10, 2026 kasabay sa pagdiriwang ng ika-269 na taong Anibersaryo ng Bataan Foundation day, ay ang pagpapatupad ng Bataeño Pass na isang sistema upang mas mapabilis at mas maging episyente ang paghahatid sa mga mamamayan ng mga programa at serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan, mga munisipyo at lungsod.
Tinyak din ni Gov. Joet Garcia na sa nasabing sistema, ang tulong na ibibigay ng Pamahalaan (nasyonal man o lokal) ay mapupunta sa tamang tao, maiiwasang mabigyan ng dobleng benepisyo ang parehong tao at mapabibilis ang serbisyo lalo na sa mga taong tunay na nangangailangan ng tulong