Sa pag-aanunsyo ng kauna-unahang top 3 barangays – A. Rivera- 3rd placer, Mabiga- 2nd placer at Saba- grand winner, sa Bgy Red Orchid Award (BROA) sa Programa ng Hataw Takbo sa bayan ng Hermosa, ipinaliwanag ni Provincial Health Officer Dr. Rosanna Buccahan, na si Gov. Joet Garcia umano ang may ideya na ibaba sa barangay ang Red Orchid Award nang sa gayon ay maging community-based ang nasabing programa at magkaroon ng partisipasyon ang mga mamamayan sa barangay.
Kung kaya’t kasabay ng Bisita Bayan ni Gov. Joet Garcia sa bayan ng Hermosa at sa Hataw Takbo ay nagsimula na rin si Dr. Buccahan at ang kanyang team na mag validate sa 23 barangay ng nasabing bayan, kung saan ang pamantayang ginamit ay batay sa orihinal na pamantayn na ginagamit nila sa pagpili ng Municipal Red Orchid Awardee.
Ang pagkapanalo ng 3 barangay maging ang fun run ay magiging bahagi na rin ng pamantayan sa pagpili ng 1Bataan Seal of Healthy Barangay.
Kasama ni Dr. Buccahan sina Gov. Joet Garcia, Mayor Jopet Inton, Vice Mayor Patrick Rellosa, Pusong Pinoy Representative Jette Nisay at Bokal Tonyboy Roman sa paggagawad ng mga plake sa mga opisyal/ kinatawan ng mga nanalo.