Katuwang ang Pamahalaang Lalawigan ng Bataan sa pangunguna ni Gov. Joet Garcia sa patuloy na pagpapaabot ng tulong sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), muling namahagi ng ayuda sa 348 magulang ng mga grade 11 students at 23 pamilya ng World War II Veterans sa bayan ng Hermosa.
Kasama si Pusong Pinoy Partylist Representative Jette Nisay na tumulong sa pagkakaloob ng pondo gayundin ang Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa pangunguna ni Mayor Jopet Inton na kinatawan ng kanyang asawang si Atty Anne Inton, Vice Mayor Patrick Rellosa at mga SB members.
Article Categories:
Social Welfare