banner

Pampublikong sementeryo itatayo sa Pilar

Written by
  • Jonie L. C.
  • 9 years ago

   Ang planong sementeryong ito ay ihahantulad din sa mga sementeryo ng mga may kaya sa buhay tulad ng Memorial Shrine sa Lungsod ng Balanga, sa mga bayan ng Limay, Orion at iba pang bayan. Ang kaibahan umano nito ay mababa lamang ang singil kung ikukumpara sa mga private cemetery .

Ipinahayag pa ng Mayora na upang maisakatuparan ang nasabing proyekto, ang bayan ng Pilar ay mangungutang sa bangko. “… siguro bago kami mangutang hayaan muna naming mabayaran ang outstanding loan pa na kaunti na lang”.

   Siniguro din ni Pizarro na lahat ng mga dokumento at feasibility study para dito ay kanya nang pinasimulang ipahanda para naman umano yung pondong gagamitin ay akma lamang at walang masasayang kahit isang sentimo. Huhugutin umano sa Internal Revenue Allotment o IRA ang ipambabayad sa nasabing uutangin sa bangko.

Ang bayan ng Pilar na isang 3rd class municipality, ay mayroong 19 na barangay at populasyon na 39,000.

   Matibay ang paniniwala ni Mayor Pizarro at ng Sangguniang Bayan ng Pilar na sa susunod na mga taon ang kanilang bayan ay makatutuntong sa 2nd class municipality category dahil susundin nila ang nakasaad sa kanilang nilagdaang zoning ordinance para sa pagpapaunlad ng kanilang bayan.       

   Katunayan umano plano na nilang pagandahin ang kanang bahagi ng daan sa Barangay Sta. Rosa. Lahat umano ng hindi magagandang tanawin ay kanilang  ililipat sa ibang lugar. Kabilang sa mga ililipat ay ang mga junk shops at punerarya at ang ipapalit sa mga pwestong maiiwan ng mga ito ay mga establisimiento. Kaya’t ang ibang mga investors ay nakaabang na para maglagay ng kanilang negosyo dito. Ang mga proyektong ito ay sisimulan agad na maipagawa hanggang sa huling taon ng panunungkulan ni Mayor Pizarro sa 2016.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares