banner

Pandaigdigang kumperensya sa wika, idaraos sa Oktubre

Written by
  • Zeny S.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Bilang pagtatapos sa mga aktibidades sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ay nag aanyaya sa lahat ng mga guro, mananaliksik at iskolar sa wika sa gaganaping kauna- unahang Pandaigdigang Kumperensya sa Nanganganib na Wika (International Conference on Language Endangement) na may temang Sustaining Language, Sustaining the World, sa ika 10-12 ng Oktubre, 2018 sa National Museum of National History, Teodoro F. Valencia Circle, Ermita, Manila.
Layunin umano ng kumperensya na pagsama-samahin ang mga prominenteng iskolar sa pananaliksik ukol sa iba’t ibang aspeto ng nanganganib na wika na makabuo ng plano para sa pagtataguyod ng konkretong proyekto tungkol sa mga nanganganib na wika ng Filipinas.
Matatandaang ito rin ang naging tema ni KWF Chairman and National Artist for Literature, Virgilio Almario sa pasinaya sa Bantayog-Wika sa lalawigan ng nakaraang linggo, kung saan ay sinabi niya na, ang bantayog-wika na itinayo sa Bataan ay dahil sa ang wika ng tribung aeta magbukon ay nanganganib na maglaho o mawala.
Dagdag pa ni Almario, napakahalaga umano na kahit maliit na pangkat ang aeta magbukon ay dapat maalagaan ang kanilang wika dahil ito ang pinaka- espiritu ng bantayog-wika.
Kaugnay nito, may kampanya ang KWF at opisina ni Gov. Abet Garcia na magtayo ng bahay-wika, ito ang unang eksperimento sa buong Pilipinas para muling buhayin ang pagmamahal sa isang naglalahong wika, na gaganapin sa bayan ng Abucay sa susunod na buwan para turuan ang mga batang aeta magbukon ng kanilang wika.

Article Tags:
·
Article Categories:
Education · News

Comments are closed.

Shares