banner

Pang limang tropeo, nasungkit ng DTI-Bataan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nasungkit ng Department of Trade and Industry DTI- Bataan ang pang limang (5) Regional Stakeholders Award mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas ngayong 2018.
Inihayag ni Provincial Director Nellin Cabahug ng DTI- Bataan, sa isang Press Conference sa pagitan ng Media, mga opisyal ng DTI at opisyal ng Bangko Sentral ng PIlipinas sa isinagawang Kapihan sa DTI- Bataan sa Plaza Hotel na nakakalima na sila ng tropeong Pilak na Agila mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sinabi ni Director Cabahug na ang Bataan DTI ay muling nagwagi bilang Regional Outstanding Partner on the Conduct of Public Information Campaign sa Region-lll na iginawad ng Bangko Sentral ng PIlipinas nitong September 21, 2018 sa Subic Bay Travelers Hotel, Olongapo City.
Ayon pa rin kay Cabahug, ang Bataan din ang nakakuha ng Regional Outstanding Partner- Coin Recirculation Program na ibinigay ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong July 28, 2017 sa BSP Cabanatuan Branch Nueva Ecija.
Nanguna din ang Bataan-DTI bilang Regional Outstanding Partner – Clean Note Policy Program noong August 5, 2016 sa Xenia Hotel, Clark Pampanga.
Napili din ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang DTI-Bataan bilang Regional Outstanding Partner in Currency Program of BSP na iginawad noong August 7, 2015 sa BSP San Fernando Branch Pampanga.
At noong 2014 Una din ang DTI-Bataan sa Regional Outstanding Partner for Source of Information for Regional Report on Economic Development Program, ito ay ibinigay ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong September 23, 2014 sa BSP San Fernando Branch Pampanga.
Kaugnay nito pinasalamatan ni Provincial Director Ms. Nellin Cabahug ang grupo ng mga Media sa Bataan sa suporta at tulong ng mga ito.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares