Pangarap para sa kabataan

Ipinahayag ni Congresswoman Sarah Elago ng Kabataan Partylist na pangarap niya sa mga kabataan na maging mabuting anak ng pamilya at ng bayan, bilang sagot sa palitan nila ng tanong at sagot ni Congresswoman Roman sa ginanap na Scholars Summit ni Cong. Roman sa Unang Distrito.

Ang sinasabing role model ng kabataan sa Kongreso na panauhin sa nasabing programa ay nagpahayag na maisasakatuparan ng mga kabataan ang nasabing pangarap kung ang mga mag aaral o mga kabataan ay bukas ang isip sa mga issues ng bayan, na kailangan nilang suriin kung ito ay reliable o hindi, kung ito ay fake o hindi at mula doon ay malaman nila kung saan sila nakatayo.
Ipinaliwanag din ni Cong. Elago na dapat tanggalin ang anumang balakid na naghihiwalay sa grupo ng mga kabataan dahil ang pagkakaisa ang kanila pwersa tungo sa kanilang minimithi gayundin di sila dapat naaapektuhan ng bashers o pagtuligsa dahil ito ay mga eye openers para higit pa nilang
makita ang katotohanan sa loob ng isang isyu.

Samantala sa nasabi ring Scholars Summit ay masayang ibinalita ni Cong. Roman na tataas na ang bilang o alokasyon ng kanyang mga CHED scholars mula sa 600 ay magiging 800 na ito gayundin ang pagtaas ng kanilang mga allowances mula sa 12k to 15k.
Ipinaliwanag din ng butihing congresswoman na sa pagtaas ng kanilang alokasyon ay maari na rin silang tumanggap ng mga scholars mula sa mga pribadong paaralan subali’t nananatili na ang prayoridad ng programa ay mga mag aaral mula sa pampublikong paaralan.