banner

Para sa mas komportable at mahusay na serbisyo publiko

Written by
  • Nerlie L.
  • 8 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Inaabangan na ang nalalapit na pagbabagong-mukha ng kapitolyo matapos na aprubahan ng Bataan Provincial Development Council (PDC) ang isang resolusyon na naglalayong itayo ang Provincial One-Stop-Shop and Mixed-Use Development of the Provincial Capitol para mabigyan ng mas komportable at mahusay na serbisyo ang publiko.

Ayon kay  Gov. Albert  Raymond S. Garcia, Chairman ng PDC,  tinatayang aabot sa P700 milyon hanggang P1-bilyon ang matitipid ng gobyerno sa konstruksyon ng bagong capitol building para maging  one-stop-shop kung saan base sa kanilang plano ay itatayo rito ang  lahat ng ahensya ng pamahalaan at kanilang mga sangay upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Batay sa PDC Resolution No. 01-series of 2014, inaatasan nito ang lahat ng provincial based national agencies/offices, Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC’s) o ang kanilang frontline services para maglagay ng kanilang opisina sa itatayong Provincial One-Stop Shop and Mixed Used Development ng kapitolyo ng Bataan.

 “The provincial government of Bataan prioritized the development of the Provincial Capitol thru integration of institutional, business, retail and even residential land uses making them readily accessible in one location leading to harmonious and convenient delivery of basic services for the public,”   ayon pa kay Garcia.

Ayon pa sa gobernador, target din nito na gawing lugar para sa meetings, incentives, conventions and exhibitions (MICE)Tourism ang kapitolyo kung saan plano rin nito na magtayo rito ng business process outsourcing (BPO’s) o call centers  at mga hotels na inaasahang magbibigay ng libo-libong trabaho sa mga Bataeño.

Sinabi pa ni Garcia  na magkakaroon din ito ng partnership sa mga pribadong sektor para buksan ang capitol compound at ang palibot nito upang pagtayuan ng commercial establishments na magbibigay din ng dagdag-kita sa gobyerno.

Plano rin nito na ilipat ang Bataan District Jail (BDJ) na nasa compound ng kapitolyo para masiguro ang seguridad ng publiko at ng mga negosyante na gustong magtayo ng negosyo sa lalawigan.

“One-stop shop will minimize information lapses and ensure an enabling environment for investors to locate and engage in sustainable business in the province,” dagdag pa nito.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares