banner

Pasinaya ng Bantayog Wika sa Balanga

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Gaganapin sa Lunes, ika-20 ng Agosto dito sa lalawigan ng Bataan ang “Pasinaya ng Bantayog Wika” (Launching of Language Monument) bilang pagbibigay halaga sa mahuhusay na manunulat at mahalaga nilang kontribusyon sa lokal na yamang wika.
Ang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon, ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ay naka -sentro sa pagpapalakas ng pambansang wika sa pananaliksik, preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng wika lalo sa akademiya.
Sinabi pa ng KWF na ibat ibang programa ang gagawin nila katuwang ang mga guro, linguistics, mananaliksik( researchers) at ibat ibang organisasyon mula sa mga rehiyon para magkaisa sa kanilang layunin ng pagpapatatag ng kultura ng pananaliksik na ilulunsad sa isang ” symbolic flag- raising ceremony” sa National Commission for Culture and the Arts.
Isa ring “Lakad para sa Wika” ang gaganapin na lalahukan ng mga kilala at tanyag na mga iskolar at mga propesyonal na manunulat para sa anila’y lalo pang maitaas ang antas ng Pambansang Wika.
Sinabi ni KWF Chairman at National Artist for Literature, G. Virgilio Almario na tatalakayin niya sa kanyang SOLA (State of the Language Address) o Estado ng Wikang Pambansa ang mga hamon na kinakaharap ngayon ng ating Pambansang Wika.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares