banner

PENELCO, sinisikap na maging brown-out free ang Bataan

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Sa gitna ng matinding pagbatikos ng sambayanang Bataeno sa Peninsula Electric Cooperative o PENELCO dahil sa mataas na singil ng kuryente, sinabi nina General Manager Loreto Marcelino at Chairman of the Board, Fernando Manalili na talagang sinisikap nila na hindi magkaroon ng malawakang brown out sa lalawigan ng Bataan.

Ipinaliwanag ng dalawa na ang dahilan ng mataas na singil sa konsumo ng kuryente ay sa dahilang ang pinagkukunan natin ng power supply sa mababang halaga na GN POWERS ay mayroong technical problems na maaaring tumagal hanggang Agosto ng taong kasalukuyan.

Dahil dito, napipilitan ang PENELCO na “bumili” ng kuryente sa spot market o ibang power generators na medyo mahal ang halaga, huwag lamang dumanas ng malawakang brown out ang lalawigan ng Bataan.
Ipinaliwanag pa ni GM Lery Marcelino na sa katotohanan lumalabas na taga-singil lamang umano ang PENELCO dahil ang supply ay nanggagaling sa Power Generators, dumadaan sa transmission towers ng NGCP at idini-distribute ng PENELCO na mula 2010 hanggang sa ngayon ay .91 centavos per kilowatt hr lamang ang kinukuha nila.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares