Kinilala ng Department of Energy (DOE) ang Petron Corporation bilang opisyal na training institution sa sektor ng Liquefied Petroleum Gas (LPG). Sa akreditasyong ito, naging kauna-unahang kompanya ng langis ang Petron na nabigyan ng naturang pagkilala.
Layon ng hakbang na ito na mapataas ang antas ng kasanayan sa industriya at tiyakin ang kaligtasan ng mga konsyumer. Kaugnay nito, inaasahang magiging mas maayos ang pagsasanay ng mga nasa sektor ng LPG.
Ipinahayag ng Petron na patuloy itong magsusulong ng mataas na pamantayan upang higit na mapalakas ang tiwala ng publiko sa kanilang mga produkto at serbisyo. Dagdag pa rito, ipinakita rin ng kompanya ang dedikasyon nito sa pagpapanatili ng ligtas at maaasahang kalakalan ng LPG sa bansa.