banner

Pilar Command Center, pinasinayaan

Written by
  • Mhike R. C.
  • 2 years ago

Pormal nang binuksan ang Pilar Command Center sa hiwalay na bagong gusali katabi halos ng Pilar Municipal Hall, Lunes ng umaga sa Pilar.

Pinangunahan ni Pilar Municipal Mayor Carlos “Charlie” Pizarro Jr. ang pormal na pagbubukas nito kasama si Vice Mayor Marino Caguimbal at Pilar SB Members. Nagsilbing panauhing pandangal ang bagong talagang OIC-Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office (BPPO), Police Col. Joel K. Tampis.

Ayon kay Mayor Pizarro, bukod sa pagiging central command center ng bayan ng Pilar ay magsisilbing backbone o back-up din ito ng 1Bataan Command Center na nasa bayan ng Orani para sa contact tracing efforts at quarantine checkpoints.

“Mayroong 10 personnel per shift ang nakaduty dito at 24 hours ang operation. Mayroong 50 CCTV cameras sa mga strategic areas sa Bataan at sa Pilar ang nakatutok sa anumang kaganapan,” pahayag ni Mayor Pizarro sa panayam ng media.

Dagdag pa ni Pizarro ito ay bilang pagtalima na rin sa strict mitigation measures kontra pagkalat ng COVID-19, bukod pa sa pagmonitor traffic, emergency response, strict observance of physical distancing at peace and order sa kanyang bayan at buong lalawigan ng Bataan.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News · Peace & Order

Leave a Reply

Shares