Naisagawa kamakailan ang 2026 sa Bayan ng Pilar, Bataan ang 2025 Regional Fisheries Compliance Audit (FishCA) Validation bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri sa mga programa ng lokal na pamahalaan para sa pangangalaga at wastong pamamahala ng yamang-dagat.
Pinangunahan ni Pilar Mayor Charlie Pizarro ang presentasyon ng mga programa, katuwang ang Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Engr. Joven Cortez, kasama ang mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government, MPDO, MENRO, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, kung saan tinalakay ang mga indikasyon na nakatuon sa pagpapalakas ng sektor ng pangingisda sa bayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy ang kanilang pagkakaisa kasama ang mga ahensya ng gobyerno at komunidad upang matiyak ang malinis, ligtas, at masaganang karagatan na magsisilbing pangmatagalang kabuhayan ng mga mangingisda sa Pilar