banner

Plastic holiday sa Balanga kapag Huwebes at Biyernes

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, BATAAN – Ipatutupad na ang Plastic Holiday sa mga pamilihan at restaurant sa mga araw ng Huwebes at Biyernes sa Lungsod na ito.
Ayon sa City Environment and Natural Resources Officer CENRO at City Agriculturist Bb..Nerissa Mateo naipasa na ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyon (bilang 223 S. 2017) kaugnay nito.
Hinikayat ni Mateo ang publiko na iwasan ang paggamit ng plastic bags o sando bags sa araw ng Huwebes at Biyernes sa tuwing pupunta sa pamilihan sa halip magdala na lang sila ng ecobag, basket o kaya naman bayong.
“Base sa tala ng aming tanggapan ang malaking volume ng basura ay nagmula sa mga plastic, na isa sa dahilan ng pagbaha sa ilang lugar sa Balanga dahil ang mga ito ay bumabara sa mga kanal, creek, drainage at ilog” pahayag pa ni Mateo.
Sa isinagawang pulong kamakailan lang, nagkaisa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at ang City Environment and Natural Resources Office na ipatupad ang pagdadala ng ecobag, basket at bayong tuwing mamamalengke o mag gogrocery ang ating mga kababayan.
Layunin ng nasabing resolusyon na paalalahanan ang mamamayan na magkaroon ng disiplina upang mabawasan ang volume ng plastik na itinatapon sa land fill.

Article Tags:
·
Article Categories:
Environment · News

Comments are closed.

Shares