banner

Population Office ng Mariveles wagi sa TOPS 2022

Written by
Population Office ng Mariveles wagi sa TOPS 2022
  • Zeny S.
  • 2 months ago

Hindi isa kundi tatlo ang naiuwing karangalan ng Municipal Population Office ng Mariveles sa katatapos na, The Outstanding Population Structure (TOPS) Award 2022, na ginanap sa Subic Freeport Area nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Joseph Paul Ramos at Ara Nina Surio, mga local population workers, nakuha nila ang mga awards na 1st Place sa 2022 Kaunlarang Pantao Award (KPA); 1st Runner-up, Municipal Level sa Region 3 sa Top Population Structure; at Top 3 sa Adolescent Health and Development Category. Ito ay dahil umano sa magandang serbisyong ibinibigay nila sa mga tao at sa mahusay na suporta ng kanilang mga opisyal ng bayan.

Gayon na lamang ang tuwa at pagpapasalamat ni Mayor AJ Concepcion sa mga nasabing awards para sa bayan ng Mariveles, na ayon pa sa kanya, balik na umano ang sigla ng mga kawani sa paghahatid ng kalidad na serbisyo sa mga mamamayan at pagbibigay parangal sa bayan.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares