NewsTourism

Pre-arranged tourists papayagan na sa Bagac

0

Ito ang tiniyak ni Bagac Municipal Administrator Nick Ancheta sa panayam ng 1Bataan News nitong Martes. Aniya, sa ngayon ay dalawa na ang resorts o pasyalan ang DOT-approved at nabigyan ng Department of Tourism ng permit to operate. Ito ang Las Casas Filipinas de Acuzar at Lumiere Resort. Sa ngayon ay may 39 beach resorts onwers na pawang mga miyembro ng Bagac Beach Resorts Owners Association na pinamumunuan ng pangulo nito na si Angelo Bacarro.

Ayon pa kay Admin. Ancheta, ang mga tinatawag na pre-arranged tourists ay yung mga turista na may proper documents na katunayan na may reservations na sila bago magtungo sa kanilang destinasyon sa Bagac. Paalala pa ni Ancheta na bukod sa reservation papers ay dapat ay may health clearance certificate mula sa point of origin at valid IDs bago makapasok sa kanilang control checkpoints. “Sakaling nagkaroon ng problema sa health and safety protocols ang mga turista na pumunta dito ay responsibilidad na ito ng resort owners,” pahayag pa ni Ancheta.

Beach resorts sa Bagac, naghahanda na

Previous article

Gov. Abet upholds a system of meritocracy in government service

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in News