Programang pangkabuhayan, inilunsad

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Kamakailan lang ay inilunsad ni Balanga City Mayor Francis Anthony Garcia ang isang programang pangkabuhayan upang madagdagan ang kita ng ating mga kababayang walang trabaho.

Dumalo sa nasabing pagsasanay ang Kaanib Tenejero,Cataning, Cabog-Cabog,Tanato MPC at Rural Improvement Club ng Munting Batangas.

Ipinaliwanag ni Dra. Naome Dilodilo sa mga dumalo sa nasabing pagsasanay kung papaano ang paggawa ng Roselle Vinegar, wine at soap gamit ang bulaklak ng roselle plant.

Itinuro din ni Dilodilo ang upcycling gamit ang mga bote, paggawa ng chimes, candle holder, at iba pa.

Ang mga natutunan nilang kaalaman at kasanayan ay ibabahagi naman sa darating na Barangay Week para sa mga kababaihan.