banner

Programang pangkabuhayan, suportado ng DOLE

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Masayang tinanggap ng mga opisyal at miyembro ng Sulong Magsasaka Association ang tseke na nagkakahalaga ng Eight Hundred Fifty Thousand (P850,000) mula kay Balanga City Mayor Francis Garcia nitong nakaraang Lunes sa Plaza Mayor de Balanga.
Ayon kay Michael Layug Vice-Chairman ng nasabing asosasyon ang nabanggit na halaga ay pambili ng isang unit ng 4 Wheel Tractor na gagamitin hindi lang ng mga miyembro ng samahan kung hindi maging ng ibang magsasaka.
Ang halagang P850,000 ay galing sa pondo ng Department of Labor and Employment DOLE RO-lll sa pamamagitan nina Mr.Rico Val Vacuyag, In-Charge of Livelihood Program at Ms. Leilani M. Reynoso, Provincial Head ng DOLE Bataan.
Nauna rito nakatanggap din ang Asosasyon ng isang unit na Cuvico KV 80 na water pump na personal na inabot ni Presidential Spokesperson Harry Roque katuwang sina Vice-Governor Cris Garcia, City Mayor Garcia at Congressman Joet Garcia ng 2nd District Bataan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares