EducationNewsSocial Welfare

Proyekto ni Mayor Gila pinuri ng TESDA

0

Umani ng papuri mula sa opisyal ng Technological Education Skills and Development Authority (TESDA) ang pamamahala at mga proyekto ni Dinalupihan Mayor Gila Garcia.

Sinabi ni Atty. Balmyrson Valdez, Regional Director ng TESDA III, na malaking tulong sa mga batang hindi nakapagtapos ng pag-aaral lalung-lalo na mga Indigenous People ang proyektong “Project Balikatan sa Bataan” sa ilalim ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster Program na inilunsad sa Dinalupihan noong Martes.
Sa ilalim ng naturang programa, sasanayin ng TESDA ang mga residenteng walang trabaho sa mga gawaing teknical at maging sa agrikultura na kung saan bibigyan ng pakakataon ang mga residente na magtanim ng halaman sa lupang sakahin.

Sinabi rin ni Valdez na dapat lang umano matuto ng tamang skills o kakayahan sa paghanap-buhay ang mga kabataan sa halip na umasa na lamang sa iba.
Hinikayat ni Valdez ang mga kabataang walang trabaho na mag-enroll sa TESDA “upang matuto silang mangisda at mabuhay sila nang mahabang panahon.”

Balanseng pag unlad para sa 57 katutubo

Previous article

Bataan opens one-stop-shop dialysis assistance center in Dinalupihan

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Education