banner

Rainbow Alliance, lalong sumigla

Written by
  • Zeny S.
  • 4 months ago

Lalong sumaya at ginanahan ang may 700 miyembro ng Rainbow Alliance mula sa 18 barangay sa bayan ng Mariveles nang magpadala ng food packages sina Gov. Abet at Cong Joet Garcia kalakip ang pangakong susuportahan ang kanilang magagandang proyekto at adhikain para sa bayan.

Ayon sa mga miyembro ng Rainbow Alliance na pinamumunuan ni Joey Borromeo bukod sa inspired umano sila sa tulong nina Gov Abet at Cong Joet at talagang naramdaman nila na sila ay mahalaga at may papel na gagampanan sa bayan.

Sa tulong ni Konsehala Susan Madla-Murillo na siyang nag-organisa sa grupo at gumagabay sa mga gawain nito, sinabi nitong marami na silang naka-line up na mga proyekto na makatutulong kina Gov. Abet at Cong Joet Garcia para sa kapakinabangan ng kani-kanilang mga barangay.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares