REHABILITASYON NG FISH SANCTUARY MATATAPOS NA

Matatapos na ang rehabilitasyon ng 2.5 ektaryang fish sanctuary sa ng Barangay Landing bayan ng Pilar.
Ayon kay Bb. Cecil Ramos, Bureau of Fishery and Aquatic Resources (BFAR) Officer ng Pilar ang pondo na ginamit sa rehabilitasyon na nagkakahalaga ng P5.3 milyon ay mula sa Bottom up Budgetting (BuB) program ng DILG.
Halos nasa 95 porsyento na ang kayarian ng bakod na ginagawa ng mga kagawad ng Bantay Dagat gamit ang mga kawayan para pahingahan ng mga lamang dagat.
Sinabi pa ni Bb. Ramos na lubha na umanong nakaaapekto ang ginagawang paghuli gamit ang sudsud ng mga malalaking bangka kung kaya lumiliit na ang kita ng mga maliliit na mangingisda.