banner

Sabay sa kanyang canonization sa April 27: Misa para kay Blessed John Paul II, idadaos sa Morong, Bataan

Written by
  • Nerlie L.
  • 8 years ago

 Pangungunahan mismo nina Bataan Gov. Albert Raymond Garcia , 1st Dist. Rep. Herminia Roman at 2nd Dist. Rep. Enrique “Tet” Garcia ang nasabing misa sa naturang Memorial Shrine ng Santo Papa na matatagpuan sa Bataan Technological Park Inc. (BTPI) sa bayan ng Morong na magsisimula dakong alas 7:00 ng umaga,  ilang oras bago ang kanyang actual canonization sa Rome sa nasabi ring araw.

“The province of Bataan is fortunate to have been visited by Pope John Paul II and it is only fitting that we commemorate his canonization with a Mass to be offered at the very spot where he once celebrated Mass and visited refugees as part of his Pastoral Visit to the Philippines,” ani Balanga Bishop Santos.

“The whole shrine is like a veritable relic that was graced by his presence,” dagdag pa nito.

“The Mass is but a fitting tribute to a man who has positively influenced the lives of millions of people around the world and who has also blessed the province of Bataan with his presence way back in 1981 at the Refugee Center in Morong, “  sambit naman ni Congresswoman Roman.

“It is our hope that through this mass we can render proper veneration to this new Saint of the Church and gain a powerful intercessor for our beloved province,” dagdag pa ng lady solon.  

Matatandaang noong 2011, binuksan sa publiko ng  Bases Conversion and Development Authority (BCDA)  at mga opisyal ng  BTPI ang  memorial shrine  bilang paggunita at pagkilala kay Blessed Pope John Paul II,  na nooý  nagdaos ng Banal na Misa sa may 20,000 Vietnamese, Cambodian at Laotian refugees noong Pebrero 21, 1981, may tatlong dekada na ang nakalipas.

Ang  365 ektaryang lupain ng BTPI ay dating  Philippine Refugee Processing Center,  na nagbigay ng pag-asa para makabangon muli at makapagsimula ang may 400,000 refugees mula sa  Vietnam, Laos at Cambodia noong panahon ng Vietnam War noong dekada ‘70.  May 11 symbolic monuments at shrines sa nasabing park na itinayo ng mga dating Indo-Chinese refugees. 

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares