banner

Samal LGU nakiisa sa programang 10.10.10k ng GK

Written by
  • Mhike R. C.
  • 4 years ago

Nakiisa ang Bayan ng Samal sa pamumuno ni Mayor Aida Macalinao sa libreng pagpapakain o feeding program na 10.10.10k ng Gawad Kalinga sa buong bansa nitong Sabado.

Ayon kay Mayor Macalinao, eksakto alas diyes ng umaga nitong Octubre 10 ay namahagi sila nang sabay sabay ng food packs sa 50 bata na may edad lima hanggang siyam na taong gulang sa 14 na barangay ng Samal.

“Bawat food pack po ay may lamang kanin, nilagang itlog at fried chicken at sinamahan din namin ng bottled water,” pahayag ni Mayor Aida sa panayam ng media.
Labis naman ang naging tuwa ng mga batang nakatanggap ng food packs.

Ang 10.10.10k feeding program ay proyekto ng Gawad Kalinga na sabayang pagpapakain sa 10,000 kabataan sa buong bansa.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares