banner

Samal vaccination area kontra COVID—19, handa na

Written by
  • Mhike R. C.
  • 5 months ago

Nitong Lunes, unang araw ng Hunyo, ay binisita ni Samal Mayor Aida D. Macalinao ang inihahandang vaccination area para sa Bayan ng Samal.

Kasama ni “Yorme Aida” sa inspection si Samal Vice Mayor Jun Espino at mga Municipal Health Office personnel para sa pag-uumpisa ng vaccination laban sa COVID-19.
“Halos kumpleto na at tapos na ang ating vaccination area na nakalugar sa ating covered court na katabi ng Pamilihang Bayan,” pahayag ni Mayor Macalinao.

Ngayong nakahanda na ang naturang pasilidad ay dito na isasagawa ang pagpapabakuna ng mga Samaleño sakaling dumating na ang mga bakunang nakalaan para sa 11 bayan sa Bataan.

Article Tags:
· · ·
Article Categories:
Covid-19 Update

Leave a Reply

Shares