News

Search and retrieval operations para sa teenager na nalunod, patuloy

0

Pinaghahanap pa rin hanggang sa ngayon ang isang trese anyos na babae na napaulat na nalunod sa San Simon River, Brgy. San Simon, Dinalupihan, Lunes ng hapon.

Sa inisyal na ulat mula kay Police Lt. Col. Emelito Dela Cruz, hepe ng Dinalupihan PNP, kinilala ang biktimang si Janica Jane Borbor, 13 anyos, residente ng nabanggit na barangay.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng PNP na nagka-ayaan mag-swimming ang biktima, kapatid at mga kaibigan nito sa San Simon River kahapon at napadpad umano sa malalim na bahagi ng ilog.

Sinubukan umanong sagipin ng mga kasama ang biktima pero nabigo umano sila dahil sa strong water current.

Nagpapatuloy pa ang search and retrieval operations ng Dinalupihan MPS, MDRRMO, BFP, PCG, Phil. Navy at iba pang civic and volunteer groups sa lugar.

Bataan opens farms to tourism market

Previous article

Gov. Garcia optimistic of easing economy

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News