banner

Seguridad, katahimikan at kaligtasan sa Bataan, naibigan ng mga banyaga

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isa sa mga nagugustuhan ng mga banyaga na naninirahan dito sa atin ay ang katahimikan at kaayusan ng ating lugar.
Sa katunayan 15 Taiwanese nationals na pawang mga kabataan ang ginusto pang mag-aral sa University of Nueva Caceres (UNC Bataan) sa bayan ng Dinalupihan kaysa sa Metro Manila.
Ayon kay G. Felicito C. Payumo, UNC President ang mga Taiwanese na nag-aaral sa kanilang eskwelahan ay kumukuha ng English subjects sapagka’t ang sandata ng mga guro dito ay ang matatas na pagsasalita sa English.
Isa rin sa mga nagustuhan ng mga Taiwanese ay ang klema sa probinsiya na bukod sa presko ang hangin, maganda ang seguridad, at ang kanilang kaligtasan.
Sinabi pa ni G. Payumo na matapos ang 45 araw na kanilang pag-aaral sa nasabing eskwelahan may papalit naman sa kanila ng iba pang batch na pawang mga Taiwanese din base sa gusto nilang aralin.
Ang UNC Bataan ay kumpleto sa mga kagamitan tulad ng CCTV camera na ikinabit sa ilang strategic na lugar sa buong compound.

Article Tags:
·
Article Categories:
Education · News · Peace & Order

Comments are closed.

Shares