Ipinagmalaki ni Mayor AJ Concepcion na naipasa ang kanilang badyet na may kabuuang halaga na P808M sa tamang panahon.
Sinabi din niya na ang Office of the Mayor ang may pinaka malaking budget cut, na kaya umano niyang isakripisyo huwag lamang ang kanilang mga servicing programs para sa mga mamamayan.
Ganito rin ang sitwasyon ng mga bayan at lalawigan sa buong bansa, na ang mga pondo ay nabawasan nang malaki.
Ito ay dahil sa nakaraang dalawang taong pandemya na napakababa ng koleksyon ng pambansang pamahalaan.
Dahil dito, agad niyang pinulong ang Municipal Treasurer at iba pang department heads para hindi maapektuhan ang kanilang mga programa at serbisyo para sa mga mamamayan. Sa kabila nang talagang magtitipid sa ibang programa, binigyang pansin agad ni Mayor AJ Concepcion ang programa sa kalusugan, gayundin ang edukasyon at mga imprastraktura na magbibigay kaluwagan sa buhay ng mga Marivelenos.