Ito ang magandang ibinalita ni Mayor Charlie Pizarro ng bayan ng Pilar matapos bumisita dito sa lalawigan kamakailan si Yorme Isko Moreno ng Lungsod ng Maynila. Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, may mahalagang pakay si Yorme Isko sa Bataan at matapos iyon ay nakipagkita ito kay Gov. Abet Garcia kung saan ay nagkaroon sila ng palitan ng best practices tungkol sa kasalukuyang pandemya. Isa din sa napag-usapan ay ang pagbuo ng sisterhood sa pagitan ng Bayan ng Pilar at Lungsod ng Maynila.
Ayon pa kay Mayor Isko matapos lamang ang pandemyang ito ay pagtutuunan na ito ng pansin. Samangtala, isa sa tinututukan ni Mayor Pizarro ay ang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto. Tahasang sinabi ng magiting na punong-bayan na hindi kakayanin ng kanilang pondo ang mga pangangailangan dito subali’t sa naging pagpupulong ng mga alkade at Gov. Abet ay napagkaisahan umano na magkakatulungan ang mahihirap na bayan at mga bayan na may malalaking pondo. Sa ngayon ay ihinahanda naman nila ang mga guro, mga magulang at maging mga opisyal ng baarangay sa magiging bahagi ng bawat isa sa sinasabing distance learning sa Pilar.
- Children of frontliners recipients of SM Bears of Joy - January 19, 2021
- SP concurs registration of agri-fisheries machinery - January 19, 2021
- DPWH District 1 eyes priority projects for 2021 - January 14, 2021
Comments