banner

SMC industrial zone, susi sa kaunlaran

Written by
  • Jonie L. C.
  • 5 years ago

BAGAC, Bataan –  Binigyan diin ni Nick Ancheta, Bagac Municipal Administrator sa pulong ng mga opisyales ng barangay ng bayang ito, na ang pagtatayo ng San Miguel Corporation (SMC) Industrial Zone sa Coastal Village ng Bian, Mariveles ay magbibigay ng ibayong sigla sa pamumuhay ng mga mamamayan ng bayan ng Mariveles at Bagac.

Ayon kay Ancheta ang SMC Industrial zone na may lawak na 500 ektarya sa Barangay Bian na nasa boundary ng Bagac ay tuwirang pakikinabangan ng mga residente ng dalawang bayan na karaniwang umaasa sa yaman ng karagatan sa West Philippine sea.

Binanggit pa ni Ancheta na bukod sa pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga mamamayan, ang mga biyaya ng kaunlaran ay kanila ring makukuha tulad ng maayos na kapaligiran, potable water, power system at maayos na inprastraktura.

Ang operasyon ng nasabing industrial zone ay magpapaunlad din sa housing facilities at tourism industry dahil itatayo ito, malapit sa malawak at malinis na kapaligiran ng West Philippine Sea Coast.

Article Tags:
·
Article Categories:
Business · Municipalities · News

Comments are closed.

Shares