banner

Social pensioners sa Balanga, nadagdagan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 3 years ago

Umabot na sa tatlong daan (300) ang bilang ng mga matatanda edad 60 pataas o senior citizens na pawang mahihirap ang tumatanggap ng social pension sa Lungsod ng Balanga.

Ayon kay City Social Welfare and Development Officer Gloria Abejar ang social pension ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mahihirap na senior citizens sa buong bansa. Sila ay makatatanggap ng halagang Php500 kada buwan.

Sinabi pa ni CSWDO Abejar na noong una ay dalawampu’t walo (28) lamang ang nakikinabang sa programang ito, subalit nadagdagan ang bilang at umabot na sa tatlong daan dahil sa isinagawang bagong survey ng mga empleyado ng CSWD.

“Ang nakakatuwa dito kapag ang pinag-uusapan ay ang kapakanan ng mga matatanda ay laging sinusuportahan ni City Mayor Francis Garcia”, ani pa ni Gng. Abejar.
Sa kasalukuyan ay may 800 ang senior citizens sa Lungsod ng Balanga.

Article Tags:
·
Article Categories:
News · Social Welfare

Comments are closed.

Shares