Gob. Abet, nanguna sa feeding program

Ayon kay Lao, isa sa mga adbokasiya ng MPGFI ang magpakain ng mga bata sa buong Pilipinas. “Dito sa Abucay, aabot sa mahigit 2,000 bata ang kanilang papakainin. Nitong nakaraang Hulyo  ginanap ang kanilang unang feeding program kung saan 1,000 mag-aaral sa ilang lungsod sa Kalakhang Maynila ang naging beneficiaries.

Ipinaliwanag pa ng Founding Chairman ng MPGFI, na ito ay isang bagong pageant na kanilang inilunsad dito sa Pilipinas noong nakaraang taon nung nakakuha sila ng franchise mula sa Amerika. “The inaugural pageant of Miss Global Philippines 2014 is slated on August 24 at the Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, Pasay City”.

Mula sa first batch na binubuo ng 22 kandidata, 11 lamang ang nakarating para sa feeding program. Pagkatapos ng feeding nagtungo ang mga kandidata sa Mt. Samat Shrine sa bayan ng Pilar bago nagtuloy sa Provincial Capitol.

“Our main advocacy is to help the government promote our tourist destinations, part of this is the feeding program with Cezar Montano. Kaugnay nito taus pusong pinasalamatan ni Gob. Garcia ang grupo ng Global sa kanilang pagdalaw at isinagawang feeding program sa Bataan.