banner

Sportsfest pinangunahan ni Cong. Nisay

Written by
Sportsfest pinangunahan ni Cong Nisay
  • Zeny S.
  • 10 months ago

Pinangunahan ni Pusong Pinoy Partylist Representative Jett Nisay ang kauna- unahang Mariveles -LGU Inter- Department Sportsfest 2023, na nilahukan ng iba’t ibang ahensya at departamento ng lokal na pamahalaan sa larangan ng basketball at volleyball.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Cong. Nisay na manatili ang ating pokus na maabot ang isang masaya at malusog na pamilyang Bataeño at isa umano ang sports na paraan para sa kalusugan ng pangangatawan gayundin ang patuloy na pag-iwas sa paninigarilyo ng ating mga mamamayan lalo na ng mga kabataan.

Samantala ayon naman kay Mayor AJ Concepcion, layunin ng nasabing Sportsfest na maprotektahan ang kalusugan ng bawat empleyado, matulungan sila na mabawasan ang stress sakanilang trabaho at higit sa lahat magkaroon ng magandang ugnayan ang mga empleyado. Namigay din ng mga food packs si Pusong Pinoy Rep Jette Nisay sa lahat ng mga manlalaro sabay sa pagsasabing i-enjoy lang ng bawat kawani ang sportsfest, maging masaya at gawing matagumpay ang nasabing palaro. Dumalo rin ang buong Sangguniang Bayan ng Mariveles sa pangunguna ni Vice Mayor Lito Rubia.

Article Tags:
·
Article Categories:
Sports

Leave a Reply

Shares