Suporta Eskwela 2025, matagumpay na naisagawa ng Penelco sa Morong

Matagumpay na isinagawa ng Peninsula Electric Cooperative (PENELCO) ang ikalawang batch ng programang Suporta Eskwela 2025 sa Nagbalayong Elementary School sa bayan ng Morong. Pinangunahan ito ni Dir. William Panilo kasama ang Board of Directors sa pamumuno ni Board President Diana Jeanne Cajucom at General Manager Ellaine De Guzman.

 

Kasabay nito ang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign at Kuryente Check para sa mga guro at mag-aaral. Namahagi rin ang PENELCO ng school supplies at mga reading materials para sa library ng paaralan bilang karagdagang tulong sa kanilang pag-aaral.

 

Nagpahayag ng pasasalamat ang PENELCO sa DepEd, kay Ms. Gemalyn Barquin, sa faculty, staff, at mga mag-aaral ng paaralan sa kanilang pakikiisa at mainit na pagtanggap. Ang programa ay naisakatuparan sa tulong ng ISDD Manager at mga kawani ng PENELCO.

Leave a comment

Live Search