Suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga magsasaka, patuloy

Isa sa mga suportang ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa mga magsasaka sa Bataan upang umangat ang kanilang pamumuhay ay ang pamamahagi ng mga makabagong makinarya para magamit sa bukid.

Ayon kay Michael C. Arligue, Office of the Provincial Agriculturist (OPA) masusi muna nilang bina validate ang isang asosasyon at kapag ito ay pumasa sa mga requirements ay aaprobahan na ito ng kanilang hepe na si Engr. Johanna R. Dizon.

Kaugnay nito pinasalamatan ng grupo ng Sulong Magsasaka Association ang mga opisyal ng pamahalaan sa walang patid na pagtupad ng kanilang tungkulin na mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng makinarya para magamit sa pangkabuhayan lalo na at bumabagsak ngayon ang presyo ng palay, kasabay ang pangako na kanilang sisinupin ang makinaryang kanilang natanggap.