Muli na namang pinatunayan ni Konsehal Erval Flores ng Brgy. Lalawigan, bayan ng Samal na hindi hadlang ang pagkakaiba iba ng tao kundi ang pagkakaisa at pagsasama-sama para maging matagumpay ng isang proyekto.
Sa selebrasyon ng Mother’s Day ay muli siyang nagsagawa ng barangay hataw zumba na sinabayan niya ng isang community pantry para matulungan ang may 200 mga solo nanay, mahihirap na nanay, at tatay na, nanay pa.
Sinabi ni Konsehal Flores na noong siya ay punong barangay pa, ay lagi silang may “hataw zumba sa barangay” kung kaya’t naisip niya na bakit nga ba hindi pagsabayin ang zumba at community pantry at mula doon ay nakalikom sila ng mga bigas, de-lata, itlog, noodles, tinapay/biscuits, toyo, patis, mantika, sabon, toothpaste, gayundin face masks at face shield, na donasyon din ng kanyang mga ka-barangay at ipinamahagi sa mahihirap na nanay sa kanilang barangay.