The Bunker, bubuksan na!

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang inagurasyon at pagbubukas ng bagong tanggapan ng pamahalaang panlalawigan na kung tawagin ay The Bunker bukas, ika-12 ng Setyembre na nasa Capitol Compound.
Kasama ng Pangulo ang mga opisyal ng Bataan na pangungunahan ni Bataan Governor Albert S. Garcia katuwang sina Vice Governor Cris Garcia, 1st District Congresswoman Geraldine Roman, 2nd District Congressman Joet Garcia, , mga bumubuo Sangguniang Panlalawigan, Mayors, Vice Mayors at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.