Trade Fair, binuksan sa Abucay

Trade Fair, binuksan sa Abucay

Pormal nang binuksan ang Trade Fair and Product Exhibit sa Abucay Town Plaza bilang bahagi ng pagdiriwang ng Abucay Town Fiesta 2025 na magtatagal mula ika-21 hanggang ika-26 ng Oktubre. Tampok sa naturang aktibidad ang mga produktong gawa ng mga lokal na negosyante, artisan, at MSMEs bilang pagpapakita ng galing at sipag ng mga Abukeño.

Pinangunahan nina Mayor Erik J. Martel at Mayora Maribeth S. Martel ang pagbubukas ng programa, katuwang ang DTI Negosyo Center, Abucay Stakeholders Association, Abucay Tourism Office, at DTI Bataan. Dumalo rin si Ms. Teresita Magtanong, Division Chief ng DTI Bataan, na nagpahayag ng papuri sa patuloy na pagtutulungan ng LGU at DTI para sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya.

Ayon kay Mayor Martel, ang mga ganitong aktibidad ay mahalagang paraan upang maipakita ang talento at likha ng mga mamamayan ng Abucay. Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat na bisitahin ang Trade Fair sa Abucay Town Plaza at suportahan ang mga produktong lokal sa temang “Experience More Abucay!”

Leave a comment